Annual Farmers Registration sa Bayan ng Naic

Sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaang bayan ng Naic at pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, naganap ang Annual Farmers Registration na isinagawa ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer ngayong araw ng Biyernes, January 16, 2026, sa Charlie Villamin Compound, Barangay Timalan Concepcion, Naic, Cavite.

Layunin ng programa

Layunin ng programa na maitala at ma-update ang impormasyon ng mga magsasakang Naicqueño upang mas mapalawak ang kanilang access sa mga programang pang-agrikultura, tulong, at serbisyong inihahatid ng lokal na pamahalaang Bayan ng Naic.

Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, patuloy na sinusuportahan ng Bayan ng Naic ang kabuhayan at kalakasan ng ating mga magsasakang Naicqueño.