Arestado ang tatlong indibidwal bandang 1:15 AM ng Mayo 14, 2026 sa Governor's Drive, Brgy. Sabang, Naic matapos mahuli sa aktong pagtatapon ng basura sa pampublikong lugar.

Detalye ng operasyon

Sinita ng mga barangay authorities ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act) at kalauna'y inaresto matapos hindi sumunod sa mga awtoridad, na saklaw ng Article 151 ng Revised Penal Code. Dinala ang mga suspek sa himpilan bandang 2:19 AM para sa kaukulang dokumentasyon at proseso.

Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat sa Barangay Sabang at sa kapulisan ng Naic sa mabilis na pagtugon. Patuloy na paiigtingin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura para sa mas malinis na Bayan ng Naic.