Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-235th Founding Anniversary ng Bayan ng Naic ngayong May 1, 2026, inaabisuhan ang lahat ng Naicqueño hinggil sa pansamantalang pagbabago ng daloy ng trapiko para sa gaganaping The Grand Parade.

Iskedyul ng parada

  • Magsisimula ang parada ng 6:00 AM sa Naic Municipal Hall Grounds.
  • Iikot ito sa mga pangunahing lansangan ng bayan bago magtapos sa Naic Town Plaza.

Paalala sa mga motorista at residente

Pinapayuhan ang lahat ng motorista at residente na maglaan ng alternatibong ruta at sundin ang mga itatalagang traffic enforcer upang mapanatili ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko sa buong selebrasyon.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan para sa matagumpay na pagdiriwang ng ating 235th Founding Anniversary.