Pagbubukas
Pinasimulan ni Mayor Rommel Magbitang ang Third Quarter Municipal Advisory Committee (MAC) Meeting nitong Biyernes, September 19, 2025 sa Triple 8, Barangay Sabang, kung saan tinalakay ang iba't ibang usapin at programa na nakatuon sa kapakanan ng bawat Naicqueño. Sa kanyang pagbubukas, binigyang-diin ni Yorme ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Naic at ng mga katuwang nitong ahensya upang masigurong patuloy na naibibigay ang kinakailangang serbisyo para sa mga Naicqueño.
Mga dumalo
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan gaya ng DepEd, Municipal Civil Registrar's Office, NGO partners, at iba pang Municipal Departments.
Resulta
Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, nailahad ang mga concerns ng mga benepisyaryo at natalakay ang mga konkretong hakbang na gagawin upang matugunan ang kanilang pangangailangan at mapaigting ang pagpapatupad ng mga programa para sa buong Bayan ng Naic.



