Walang Pasok Advisory

Septyembre 23, 2025

Dahil sa masamang panahon na dala ng habagat at super typhoon Nando, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic.

Bagamat walang klase, hinihikayat ang lahat, lalo na ang ating mga kabataan, na gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman.

Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Naicqueños, huwag nating kalimutang:

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency Hotlines

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753