Pagkakaisa at pagtutulungan para sa mga pamilyang relocatees ng bayan ng Naic.

Ikinagagalak nakasama si Mayor Strike Revilla ng Bacoor sa isang makabuluhang pagtitipon upang makaharap at makausap ang ating mga kapwa Naicqueño na mula sa Bacoor at ngayo'y naninirahan na rito sa Bayan ng Naic. Sa ating pagdalaw ay nagkaroon din ng pamamahagi ng tulong at relief goods galing sa DSWD para sa ating mga relocatees mula sa iba't ibang barangay tulad ng Villa de Adelaida, Halang, Hyacinth, Calubcob, at Malainen Bago at Malainen Luma. Nitong Huwebes, September 18, 2025.

Ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga pamahalaang lokal ay isang malaking hakbang upang masiguro na ang ating mga Naicqueño, lalo na ang mga pamilyang relocatees, ay patuloy na makapamuhay nang maayos at may pag-asa para sa mas magandang kinabukasan dito sa Bayan ng Naic.