Suspensyon ng pasok at trabaho
Sa bisa ng Memorandum Circular No. 96, Series of 2025 mula sa Office of the President, ipinag-utos ang walang pasok at trabaho simula 1:00 PM ng September 22, 2025. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng "Kainang Pamilya Mahalaga Day" at "National Family Week".
Kasama sa suspensyon ng pasok ang lahat ng kawani ng pamahalaang lokal, maliban sa mga essential employees na kailangang magpatuloy sa kanilang serbisyo.
Layunin
Ang hakbang na ito ay naglalayong hikayatin ang bawat Pilipino na maglaan ng oras para sa kanilang pamilya, na siyang pundasyon ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagtigil muna sa mga gawain, mas mapapalalim ang ugnayan at pagmamahalan sa loob ng bawat tahanan.
