Naganap ngayong May 4, 2026 ang “Tuli Time sa 8th District” Medical Mission sa Triple 8 Building, Brgy. Sabang, Naic, Cavite, sa ilalim ng pamumuno ni Congresswoman Aniela Tolentino at pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang.
Layunin
Layunin ng programang ito na makapaghatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga kabataang Naicqueño bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan sa ika walong Distrito.
Patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga programang naglalayong makapagbigay ng serbisyong may malasakit para sa ating komunidad.



