Naganap noong Martes, Mayo 5, 2026 ang pagpapatuloy ng “Tuli Time sa 8th District” Medical Mission sa Triple 8 Building, Brgy. Sabang, Naic, Cavite, sa pakikiisa nina Mayor Rommel Magbitang at Vice Mayor Agnes Tolentino mula sa Tagaytay City.

Layunin ng programang ito na maihatid ang libreng serbisyong medikal para sa mga kabataang Naicqueño bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan sa ika-walong distrito.