Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ay nagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat kay PLTCOL Jefferson P. Ison sa kanyang tapat at dedikadong serbisyo bilang Outgoing Acting Chief of Police. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, lalong naging matatag ang disiplina at pagkakaisa ng ating kapulisan upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng bawat Naicqueño.

Ang kanyang propesyonalismo at malasakit sa komunidad ay nag-iwan ng mahalagang marka sa ating bayan ng Naic. Hangad ng buong munisipalidad ang inyong tagumpay sa mga susunod na responsibilidad at pagkakataon na inyong kakaharapin sa inyong serbisyo.