Naganap nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026, ang pagsisimula ng Basic Life Support (BLS) Training sa Torres Farm Resort, Barangay Sabang, Naic, Cavite, sa pangunguna ng Office of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (OMDRRMO). Layunin nitong mas mapatalas ang kahandaan ng bawat katuwang sa serbisyo sa pagsagip ng buhay.
Ang kaligtasan ng bawat Naicqueño ay nakasalalay sa ating mabilis na pagtugon sa oras ng pangangailangan. Sa bawat aralin at pagsasanay, itinataguyod natin ang isang Bayan ng Naic na laging handa, matatag, at may malasakit sa kapwa. Patuloy ang ating pagkakaisa para sa isang mas ligtas at protektadong komunidad.



