Mga kababayan sa Brgy. Bancaan, pagkakataon niyo na upang direktang makuha ang mga serbisyong gobyerno na malapit sa inyong tahanan!
Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Naic, gaganapin ang Barangay Serbisyo Day upang mas mapabilis at mapadali ang inyong mga transaksyon sa iba't ibang ahensya.
Iskedyul
| Petsa | Oras | Barangay | Lugar |
|---|---|---|---|
| Biyernes, Pebrero 20, 2026 | Magsisimula sa ganap na 10:00 AM | Bancaan | Covered Court, Brgy. Bancaan, Naic, Cavite |
Mga ahensyang maghahatid ng serbisyo at konsultasyon
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
- Philippine Statistics Authority (PSA)
- Municipal Civil Registrar (MCR)
- PAG-IBIG Fund
- Department of Migrant Workers (DMW)
- Social Security System (SSS)
- PhilHealth
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maayos ang inyong mga dokumento at benepisyo nang hindi na kailangang lumayo. Siguraduhin lamang na magdala ng inyong mga valid ID at kaukulang requirements para sa inyong mga transaksyon.
Patuloy ang ating pagtutulungan para sa mas mabilis at maayos na serbisyo para sa bawat Naicqueño!



