Isinagawa ngayong Huwebes, Pebrero 19, 2026, ang MAPANGBATA Program sa Triple 8 Bldg., Barangay Sabang, Bayan ng Naic, Cavite. Ang MAPANGBATA, na nangangahulugang Magulang Para sa Bata, ay isang inisyatiba na nagpapatibay sa mahalagang papel ng mga magulang sa paggabay at paghubog sa kabataan ng Bayan ng Naic.

Binibigyang-diin ng programa ang aktibong pakikilahok ng pamilya sa pagbuo ng responsableng kabataan at sa pagpapatatag ng komunidad. Sa pagtutulungan ng mga magulang, komunidad, at lokal na pamahalaan, mas napapalakas ang ating kolektibong layunin na matiyak ang isang ligtas, maayos, at makalingang kapaligiran para sa kabataan ng Bayan ng Naic.