Magandang balita para sa mga UPLIFT beneficiary. Ang mga nakatanggap ng 1st Tranche ay nakatakdang tumanggap ng 2nd Tranche payout.

Iskedyul

Petsa Oras Lugar
Huwebes, Oktubre 1, 2026 8:00 AM – 12:00 NN Naic Town Plaza

Kailangang dalhin

May National ID:

  • Original National ID
  • 2 photocopies, bawat isa may 3 original signatures

National ID pero hindi naka-address sa Naic:

  • Original + 2 photocopies ng valid government ID
  • Photocopy ng National ID registration/proof of registration
  • Barangay Residency

Wala pang National ID:

  • Magtungo sa pinakamalapit na PSA para sa registration.

Importanteng paalala

  • Nakatanggap na via LandBank o GCash? Hindi na kailangang pumunta sa October 1.
  • Naka-register bilang beneficiary pero hindi pa nakatanggap ng 2nd payout? Maaari pong pumunta sa October 1 manual payout.

Sa pakikiisa ng LGU Naic at Mayor Rommel Magbitang, patuloy ang koordinasyon para sa maayos na payout at mga programang pangkabuhayan para sa ating mga Naicueño.