Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa flag ceremony sa Naic Integrated National High School ngayong September 21, 2026, kasama si PLTCOL Louie Gonzaga, bilang bahagi ng pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng mga mag-aaral at school community.
Tampok sa programa ang B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System, na naglalayong magkaroon ng mas mabilis na alerto, koordinasyon, at pagtugon sa oras ng insidente o emergency sa mga paaralan. Bahagi ito ng patuloy na pagtutulungan para sa mas ligtas na learning environment para sa mga kabataan ng Bayan ng Naic.



