Nagtipon ang mga kabataang Naicqueño mula sa iba't ibang bahagi ng Bayan ng Naic para sa Municipal Sports Meet 2026. Dumalo rin si Mayor Rommel Magbitang sa programa upang magbigay inspirasyon at suporta sa mga kabataang Naicqueño noong September 19, 2026 sa Barangay Timalan Concepcion, Timalan Concepcion Covered Court, Naic, Cavite.

Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ay patuloy ang pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na maipakita ang kanilang talento, disiplina at determinasyon.