Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isinagawa ngayong Miyerkules, July 22, 2026, ang UPLIFT Program Payout sa Naic Town Plaza sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang kasama sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Konsehal Rod Castillo, at Konsehal Ryan Wakay-Flores.

Ayuda para sa mga pamilyang nangangailangan

Sa ilalim ng programa, tumanggap ng ayuda ang mga kwalipikadong benepisyaryo bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan sa Bayan ng Naic.