Isang vehicular accident ang naitala sa Brgy. Ibayo Silangan noong Mayo 21, 2026 nang 12:47 PM, kung saan agad na rumesponde ang Team Delta A upang magbigay ng agarang assistance at kaukulang aksyon.
Ayon sa ulat, matapos mabigyan ng paunang assessment at assistance, tumanggi naman ang involved individual na magtungo sa ospital para sa karagdagang medikal na atensyon.
Bilang paalala, hinihikayat ang lahat na maging maingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga alituntunin sa kalsada para sa kaligtasan ng bawat Naicqueño.
Naic OMDRRMO Hotline:
- (046) 410-5725
- Globe: 0917-812-8187

