Pamamahagi ng school supplies

Naganap ang patuloy na pamamahagi ng school supplies sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Congresswoman Aniela Tolentino, sa Naic Integrated National High School at Timalan Hillsview Elementary School bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga kabataang Naicqueño.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na sinusuportahan ang mga mag-aaral ng Bayan ng Naic upang mas maging handa sa panibagong school year at mapalakas ang kanilang kahandaan sa pag-aaral.