Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic sa Sabado, Hulyo 19, 2025.

Ito ay bunsod ng masamang panahong dulot ng Bagyong Crising. Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga mahalagang impormasyon at opisyal na anunsiyo ukol sa lagay ng panahon.

Maging alerto sa anumang oras at laging mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.