Walang pasok sa mga susunod na klase

Pasensya na po at taos-pusong humihingi ng paumanhin kung ngayon lamang naipahayag ang walang pasok advisory para sa mga susunod na klase.

Kanina pong umaga, batay sa forecast ng panahon, hindi pa po ganoon kalakas ang ulan, kaya hindi pa muna nagkaroon ng kanselasyon. Subalit bigla pong nagbago ang lagay ng panahon at lumala ang ulan sa kasalukuyan, kaya napagdesisyunan na ipasok na ang suspensyon ng klase sa mga susunod na schedule ngayong araw.

  • Petsa: Lunes, Hulyo 21, 2025
  • Saklaw: Suspendido ang klase sa LAHAT NG ANTAS, pampubliko man o pribado, sa Bayan ng Naic
  • Dahilan: Patuloy na pagbuhos ng ulan

Paalala sa mga estudyante

Para sa mga estudyanteng nasa paaralan na, pinapayuhan po kayong manatili muna sa loob ng paaralan para sa inyong kaligtasan. Huwag po munang umuwi habang malakas ang ulan at baha sa ilang lugar.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad.