Pagtatapos ng mga PDL

Matagumpay na isinagawa noong Huwebes, Hulyo 18, 2025, sa Naic Municipal Jail ang Araw ng Pagtatapos at Seremonya ng Pag-aangat para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program. Ang mga PDL ay pormal na nagtapos at umangat sa kanilang edukasyon, patunay ng kanilang dedikasyon at pagsusumikap.

Mga nagpangunahan

  • Dr. Arnel P. Zapanta – Public School District Supervisor
  • JCINSP Ralph James Mayhay – Warden, Naic Municipal Jail
  • Dr. Felisa Matel – Education Program Specialist II, ALS
  • Dr. Maribeth Rieta – Mother Supervisor
  • Dr. Iluminada Lopez – Principal III
  • Dr. Elpidia Bergado – CID Chief

Bilang panauhing pandangal, dumalo rin si Yorme Rommel Magbitang at nagbigay ng makulay na mensahe ng suporta at inspirasyon sa mga nagtapos. Tiniyak niyang handang tumulong ang Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga PDL na nagsusumikap mag-aral upang matamo ang kanilang mga pangarap.