Isinagawa noong Agosto 28, 2026 sa Triple 8, Barangay Sabang ang Youth Forum: Smart Adolescent Ultimate Guide to Road Safety and Crime Prevention, bilang bahagi ng mga programa ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic para sa kaligtasan at kapakanan ng ating kabataan.
Sa pamamagitan ng talakayan at aktibong pakikilahok, nabigyan ang mga kabataan ng dagdag na kaalaman tungkol sa road safety, crime prevention, at pagiging responsable sa kanilang komunidad.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsuporta sa mga programang nagbibigay-kaalaman at naghahanda sa ating kabataan para sa mas ligtas na komunidad.



