Isinagawa ngayong August 28, 2026, sa Amisa Medical Mission ang unang batch ng Dengue Awareness Seminar para sa mga school personnel mula sa piling paaralan sa Bayan ng Naic.

Layunin ng aktibidad

Pinapalawak ng aktibidad ang kaalaman ng mga school personnel tungkol sa dengue, mga paraan ng pag-iwas, at kahalagahan ng maagap na pagtugon upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at malusog na school community.

Patuloy ang mga hakbang ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagpapalakas ng health awareness at dengue prevention sa ating mga komunidad.