Matagumpay na naisagawa ang KADIWA Rice Selling sa Labac Covered Court ngayong Biyernes, Enero 30, 2026.
Pinangunahan ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (OMABE) at sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, ang maayos at organisadong pagpapatupad ng aktibidad para sa mga kwalipikadong benepisyaryo gaya ng Senior Citizens, Solo Parents, 4Ps, at PWDs.
Ang programang ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na hakbang ng pamahalaang bayan upang masiguro ang abot-kayang bigas at karampatang tulong sa bawat pamilyang Naicqueño.



