7 araw na lang!
Isang linggo na lamang. Magsasama-sama ang buong komunidad para sa isang makabuluhang yugto ng Pawikan Festival. Dito natin ipapakita ang tatak ng isang tunay na Naicqueño: disiplinado, may malasakit, at handang tumulong para sa ating kalikasan ng bayan ng Naic.
Ang selebrasyong ito sa bayan ng Naic ay nagsisilbi ring paaralan sa labas ng silid-aralan, kung saan ang ating mga kabataan ay namumulat sa kanilang environmental responsibility upang sila ang magpatuloy ng ating nasimulan.
