Isang vehicular accident ang naitala dakong 11:08 PM, February 04, 2026, sa Brgy. Sapa, Naic. Agad na rumesponde ang Charlie Team sa pangunguna ng Office of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (OMDRRMO) upang magsagawa ng paunang aksyon at tiyakin ang kaligtasan ng mga naapektuhan. Ang pasyente ay agad na dinala sa San Lorenzo para sa kinakailangang atensyong medikal.

Koordinasyon ng lokal na pamahalaan

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga kalsada ng Bayan ng Naic.

Paalala sa mga motorista

Magdoble-ingat lalo na sa gabi, sumunod sa batas-trapiko, at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe.

Contact

  • Naic OMDRRMO Hotline: (046) 410-5725
  • Globe: 0917-812-8187