Matagumpay na isinagawa ang libreng Eye Check-up, Eyeglass, at Cataract Screening para sa Naicqueño, bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Patuloy ang pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang sa mga serbisyong medikal para sa bayan ng Naic, ngayong Huwebes, Pebrero 5, 2026, sa Triple 8, Sabang, Naic, Cavite.

Sa pakikipagtulungan ng Lions Club International, tiniyak nilang abot-kamay ng lahat ang serbisyong medikal at libreng pangangalaga sa mata, lalo na sa mga nakatatanda at may espesyal na pangangailangan sa mata.