Naganap ang libreng Eye Check-up, pamamahagi ng Eyeglass, at Cataract Screening para sa ating mga Naicqueño, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at sa tulong ng Lions Club International. Tiniyak nitong abot-kamay ng lahat ng residente ang serbisyong medikal, lalo na ang mga nakatatanda at may espesyal na pangangailangan sa mata.

Ito ay naganap noong Huwebes, February 5, 2026, sa Triple 8, Sabang, Naic, Cavite.

Pinapaalala rin sa lahat na alagaan ang ating mga mata at samantalahin ang mga ganitong programa para sa kalusugan at kapakanan ng buong komunidad ng Bayan ng Naic. Ang matagumpay na aktibidad na ito ay bunga ng pagtutulungan nating lahat bilang isang bayang nagkakaisa.