Isinagawa ang Blessing Ceremony ng 4-storey, 20-classroom building sa Timalan Hillsview Integrated School Annex sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang mga kawani ng Naic District III, ngayong Mayo 20, 2026.
Ang gusali ay inaasahang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at mas komportableng learning environment para sa mga mag-aaral, bilang tugon sa patuloy na pagdami ng estudyante at pangangailangan sa silid-aralan sa Bayan ng Naic. Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga proyektong pang-edukasyon na layuning itaas ang kalidad ng pagkatuto at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa kabataang Naicqueño.



