Pamamahagi ng school supplies

Naganap ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng Ciudad Nuevo Elementary School, Petronillo L. Torres Elementary School, at Verdant Homes Elementary School, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng Bayan ng Naic para sa sektor ng edukasyon at paghahanda sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga kabataang Naicqueño.