Nagsagawa nitong May 12, 2026 ng information drive ang Naic Traffic Management Office sa Grandby Colleges bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa road safety at disiplina sa kalsada.
Tinalakay
Tinalakay sa aktibidad ang mga paalala sa pagsunod sa traffic rules, kaligtasan sa lansangan, at responsableng paggamit ng kalsada upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.
Nagbahagi rin ng mensahe si Konsehal Ryan Wakay Flores tungkol sa kahalagahan ng disiplina at responsibilidad ng bawat road user, lalo na ng mga kabataang hinuhubog bilang susunod na mga motorista sa Bayan ng Naic.
