Isinagawa ngayong Huwebes, Hulyo 9, 2026, ang Basic Life Support (BLS) Training sa Liga ng mga Barangay Building sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama ang mga Day Care Teachers mula sa Bayan ng Naic.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas napalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa tamang pagtugon sa mga emergency at pagbibigay ng agarang paunang lunas upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga batang kanilang inaalagaan.

Patuloy na naghahatid ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ng mga programang nagpapalakas sa kahandaan at kakayahan ng bawat sektor ng komunidad.