Financial management seminar isang hakbang tungo sa progresibong bayan ng Naic
Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at Pamahalaang Bayan ng Naic, katuwang ang Joy Nostalg Foundation at Union of Enterprising Cooperatives, matagumpay na isinagawa ang Financial Management Seminar nitong Miyerkules, September 17, 2025 na dinaluhan ng siyam na kooperatiba mula sa ating bayan.
Layunin ng programa na bigyan ng dagdag-kaalaman at kasanayan ang ating mga kooperatiba sa tamang paghahanda ng financial statements, journal entry, ledger, trial balance, at iba pa.
Ang panauhing tagapagsalita ay si Gng. Jaquilyn Lara mula sa Lungsod ng Imus, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman upang higit pang mapatatag ang kakayahan ng ating mga kooperatiba tungo sa mas maayos na pamamahala at pagpapaunlad.



