Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) Naic, matagumpay na isinagawa ang Job Fair Trabaho for Every Naicqueño kung saan daan-daang job applicants ang dumagsa upang maghanap ng mga oportunidad para sa lokal at overseas employment.
Kasabay nito, nagbigay rin ng iba't ibang government services gaya ng NBI Clearance, PSA para sa National ID Registration, Pag-IBIG services, PAO para sa legal advice, at iba pang mahalagang serbisyo na nakatulong sa bawat Naicqueño. Nitong Huwebes, Setyembre 18, 2025.
Layunin ng Job Fair ng Bayan ng Naic ay hindi lang para makapagbigay ng mas maraming pagkakataon sa trabaho, kundi para masiguro rin na ang bawat Naicqueño ay may tamang akses sa mga serbisyong makakatulong sa kanila.
Sa tulong ng Pamahalaang Bayan ng Naic, sisiguraduhin na ang bawat Naicqueño ay mas handa, may sapat na kaalaman, at mas magaan ang kanilang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan para sa buong Bayan ng Naic.



