Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, pormal niyang pinasimulan ang 3 Day Barangay Nutrition Scholar (BNS) Refresher and Enhancement Skills Training, kung saan nagbigay siya ng mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon at paalala sa mga BNS hinggil sa kanilang mahalagang papel sa laban kontra malnutrisyon.
Layunin ng programa
Layunin ng programa na higit pang paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS). Kabilang sa mga tinalakay ang tamang height and length measurement para sa mga bata, standardisasyon ng measuring tools, at iba pang mahahalagang gawain upang maging mas epektibo ang mga BNS sa pagtugon sa malnutrisyon, isang hamon na patuloy na kinakaharap ng bayan ng Naic.
Inaasahang resulta
Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, masisiguro na ang bawat BNS ay mas handa at mas may kakayahan na magsilbi at magbigay ng tamang nutrisyon at serbisyong pangkalusugan sa kanilang mga barangay.



