Isinagawa ang Fisherfolk Registration sa Bagong Kalsada Covered Court katuwang ang Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer, at sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naitala ang mga mangingisdang Naicqueño upang mas mapadali ang kanilang pag-access sa mga programa tulad ng insurance, fuel subsidies, at iba pang suportang pangkabuhayan.
Nitong January 27, 2026 sa Barangay Bagong Kalsada Covered Court.
Patuloy na inilalapit ng pamahalaang bayan ang mga serbisyo upang matiyak na ang sektor ng pangingisda ay may sapat na gabay at benepisyo.
