MOU Signing at Interview
Pormal nang pinirmahan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, at ng mga kinatawan mula sa Jeongeup-si, Republic of Korea. Layunin ng ugnayang ito na magbukas ng mas malawak at world-class na oportunidad para sa ating mga magsasakang Naicqueño.
Noong Martes, Enero 27, 2026, sa Triple 8, Sabang, Naic, agad ding isinagawa ang interview sa mga aplikante upang matiyak ang maayos na proseso at tamang deployment ng mga mapipiling seasonal farmers.
Layunin ng Kolaborasyon
Ang kolaborasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang sektor ng agrikultura at makapaghatid ng konkretong tulong-pangkabuhayan sa mga pamilyang Naicqueño.
Sa pamamagitan ng ganitong international partnerships, mas pinalalawak ang oportunidad para sa de-kalidad na trabaho, karanasan, at kaalaman na makatutulong sa pag-angat ng ating bayan ng Naic.



