Matagumpay na naisagawa ang 2 Day PhilHealth Caravan sa Bayan ng Naic.

Isang 2 Day PhilHealth Caravan ang inilunsad ng Munisipalidad ng Naic, na naghatid ng libreng serbisyo tulad ng registration at updates ng kanilang PhilHealth Membership.

Ilang daang Naicqueño ang nag-punta, kabilang ang mga senior, buntis, at PWD, at nakinabang sa nasabing programa.

Layunin ng programa na tiyakin na ang bawat mamamayan ay may health insurance sa ilalim ng Universal Health Care Act, na sumasalamin sa pangako ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kalusugan at kapakanan ng bawat Naicqueño.