Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), matagumpay na isinagawa ang Fisherfolk Fuel Subsidy Program nitong umaga ng Miyerkules, September 17, 2025, sa Naic Town Plaza.
Tumanggap ng tulong ang ating mga mangingisda mula sa iba't ibang coastal barangay sa Bayan ng Naic bilang dagdag-suporta para sa kanilang mga registered motorized boat, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng dagdag-assistance ang ating mga mangingisda upang masiguro ang kanilang kabuhayan at maipagpatuloy ang mahalagang ambag nila sa ating lokal na pagkain at ekonomiya.
Isang patunay ito na ang Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, ay patuloy na nakikiisa sa bawat Naicqueño, lalo na sa sektor ng pangisdaan.



