Ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang pagbati kay Julia Marie Teodosio sa pagtatapos ng Bachelor of Science in Industrial Engineering at sa pagkilala bilang Model Student Awardee ng Adamson University, Manila.
Ang kanyang akademikong tagumpay ay sumasalamin sa kahusayan at determinasyon ng kabataang Naicqueño. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataan ng Bayan ng Naic na patuloy na magsikap at abutin ang kanilang mga mithiin.
