International Coastal Cleanup 2025
Personal na dinaluhan ni Mayor Rommel Magbitang ang makabuluhang programang International Coastal Cleanup 2025 kaninang umaga, Setyembre 20, 2025. Ito ay dinaluhan din ng iba't ibang sektor, katuwang ang mga barangay ng Timalan Balsahan at Timalan Concepcion, gayundin ang mga kinatawan mula sa national at regional offices.
Isang malaking hakbang ito para sa mga Naicqueño tungo sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at pagtutulungan para labanan ang epekto ng climate crisis. Sa aktibidad na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikilahok ng bawat isa upang masiguro na ang Bayan ng Naic ay patuloy na magiging halimbawa sa pangangalaga ng ating mga dagat at baybayin.



