Patuloy ang pagbibigay-serbisyo ng Bakuna Eskwela para sa kalusugan at kaligtasan ng mga kabataang Naicqueño.
Personal na dinaluhan ni Mayor Rommel Magbitang ang programa sa Malainen Bago Integrated School nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 19, 2025.
Layunin ng programang ito na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa iba't ibang sakit na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng pagbabakuna, masisiguro na mas ligtas at mas malusog ang mga batang Naicqueño, upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral nang may mas maliwanag na kinabukasan para sa buong Bayan ng Naic.



