Suspensyon ng Klase

Dahil sa masamang lagay ng panahon na dala ng habagat at Super Typhoon NANDO, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic sa Lunes, Setyembre 22, 2025.

Bagamat walang klase, hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman.

Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Paalala sa mga Naicqueños

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Mga Emergency Hotline

Ahensya Numero
MDRRMO Hotline 410-5725 / 0917-812-8186
PNP Hotline 0998-598-5621
BFP Hotline 0956-4830-226 / 0956-4830-753