Joint Meeting with HOA Officers and Task Force Housing sa Bayan ng Naic
Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang Joint Meeting with HOA Officers and Task Force Housing upang pag-usapan ang mga isyu at solusyon kaugnay sa mga pabahay at subdivision sa bayan ng Naic. Nitong Huwebes, October 9, 2025, sa Calubcob Daycare Center, Walong Butas.
Kasama rin sa pagpupulong si Atty. Ferdinand "Ding" Wakay, Head ng Task Force Housing, at mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya at homeowner associations. Tinalakay ang mga usapin hinggil sa kuryente, patubig, drainage, transportasyon, at iba pang pangunahing serbisyo.
Nagpahayag ng pasasalamat si Yorme Rommel Magbitang sa aktibong partisipasyon ng lahat at tiniyak ang patuloy na pagkilos ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic upang matugunan ang pangangailangan ng bawat Naicqueño tungo sa mas maayos na pamumuhay.



