Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang Tourism Month Celebration, tampok ang makabuluhang sayaw-interpretasyon ng Himno ng Naic sa pangunguna ng Naic Integrated National High School, pati na rin ang kahanga-hangang pagtatanghal ng Maguagi dance group performers. Nitong Biyernes, October 6, 2025 | Naic Town Plaza.

Nanguna sa selebrasyon si Yorme Rommel Magbitang, na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe hinggil sa pagkakakilanlan ng Naic at sa mga planong magpapaigting sa turismo ng bayan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng mga Naicqueño sa patuloy na paglinang ng lokal na kultura at turismo.

Dumalo rin si Former Vice Mayor ng Lungsod ng Tagaytay, Raymond Ambion, na nagpahayag ng paghanga sa aktibong pakikilahok ng mga Naicqueño sa larangan ng performing arts at sa kanilang patuloy na pagsuporta sa promosyon ng turismo.

Tampok din sa nasabing pagdiriwang ang mga patimpalak sa Souvenir Making, Tour Guiding, at Marching Band Competition, na nagpakita ng husay, talento, at pagkamalikhain ng mga mamamayan Naicqueño ng Bayan ng Naic.