Ipinamahagi ang mga Urea, Complete, at Bio Fertilizers sa daan-daang rice farmers mula sa iba't ibang barangay ng bayan.
Isinasagawa ang programang ito bilang tuloy-tuloy na suporta sa mga Magsasakang Naicqueño, upang mapalakas ang produksyon ng palay at mapanatili ang kasaganahan ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Naic.
Pinangunahan ni Yorme Rommel Magbitang katuwang ang Office of the Municipal Agriculture and Biosystems Engineer (OMABE).
Matagumpay na isinagawa ang Distribution of Fertilizers sa ilalim ng Rice Banner Program ng Department of Agriculture ngayong Biyernes, Oktubre 10, 2025, sa Naic Covered Court.



