Iskedyul

Petsa Oras Para sa Venue
Huwebes, Oktubre 16, 2025 9:00 AM - 11:00 AM Nagtitinda ng inumin Liga ng mga Barangay Building
Huwebes, Oktubre 16, 2025 1:00 PM - 3:00 PM Nagtitinda ng pagkain Liga ng mga Barangay Building

Magbubukas na ang Season 1 ng Naic Posible Food Bazaar, isang espesyal na pagkakataon para i-showcase ang mga food business ng bawat Naicqueño.

Iniimbitahan ang lahat ng residente ng Naic sa darating na Oktubre 16, 2025 para sa masarap na Food Tasting at Pre-Registration. Ito ang paraan upang suportahan at i-highlight ang ating komunidad ng mga lokal na tinderong naicqueño at tinderang naicqueña.

Mga Requirements (para sa lahat ng sasali)

  • Dalhin ang inyong pinakamasarap at kaakit-akit na produkto, upang ma-enjoy ng lahat.
  • Proof of residence sa bayan ng Naic (valid ID o barangay certificate).
  • Business Permit na address sa Naic.
  • Kung wala kang permit, magdala ng litrato o ebidensya na may business ka sa Naic. Tutulungan ka namin sa proseso.

Tara, gawing masarap at buhay ang Naic. Mag-sign up na at maging bahagi ng food bazaar na ito!