Local Recruitment Activity (LRA): Waltermart Sabang

Matagumpay na naisagawa ang Local Recruitment Activity (LRA); ang programang ito ay naghatid ng mga bagong oportunidad sa trabaho para sa mga Naiqueño na naghahanap ng mapapasukan, ngayong Huwebes, Enero 29, 2026, sa Waltermart, Sabang, Naic.

Isang mahalagang hakbangin ito upang mas mapalakas ang lokal na hanapbuhay at ekonomiya sa buong bayan ng Naic. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, sinisiguro ang pagkakaroon ng maayos na kabuhayan para sa bawat pamilyang Naicqueño. Patuloy ang ating pagtutok sa mga proyektong magbibigay ng sapat na kita at magandang kinabukasan para sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Naic.