Matagumpay na naisagawa ang anti-rabies vaccination. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Office of the Municipal Agriculture and Biosystems Engineer (OMABE), sa ilalim ng patuloy na suporta ni Mayor Rommel Magbitang.
Ito ay bahagi ng komprehensibong kampanya ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Naic para sa kaligtasan ng mga alagang hayop at ng buong komunidad. Naganap ito ngayong Huwebes, January 29, 2026, sa Labac Covered Court.
Ang inisyatibong ito ay pagpapatibay sa mandato ng ating bayan na matiyak ang kalusugang pampubliko at responsableng pag-aalaga ng hayop sa bawat barangay.
